Kanino mo ba dapat ibigay ang puso mo? Kay Mr. Always Right o kay Mr. Right on Time? Pero, paano kung pareho lang pala silang si Mr. Right? Ito ang problemang haharapin ni Thea. Nang namana niya ang kumpanya ng kanyang kuya, ang OZ Advertising, nangako siyang hindi niya ito papabayaan. Pero mahirap para sa kanya dahil lagi niyang kakumpitensya ang mas malaking kumpanyang Tian Xing Advertising. Ang advertising genius na si Cedric ang may-ari ng Tian Xing. Hindi maikakaila na magaling at matalino, pero saksakan naman ng yabang at bilib na bilib sa sarili. Lagi pa niyang pinagtitripan at pinapahiya si Thea. Pero dumating ang panahon na mawawalan ng gana si Cedric sa industriya ng advertising, kaya magtatago siya at magdi-disguise bilang si AJ. Dahil mapaglaro ang tadhana, sa OZ Advertisng pa siya makakahanap ng trabaho. Noong una, hindi siya pagkakatiwalaan ng mga empleyado ng OZ dahil hindi sila kumbinsido sa disguse niya. Pero dahil mabait, sweet at matulungin siya -kabaligtaran ng ugali ni Cedric - matututo din siyang pagkatiwalaan ng mga ito. At mahuhulog pa ang loob ni Thea sa kanya! Paano kapag nagkabukuhan na? May lakas kaya ng loob si Cedric na aminin kay Thea ang totoo? Kaya ba ni Thea na mahalin ang isang bahagi ni Cedric habang kinamumuhian niya ang isa? Taiwan's No. 1 TV series of 2014, 'Fall In Love With Me,' ngayong Pebrero na sa Heart of Asia, GMA!
This is just a temporary video for GMA Pinoy TV. Please refresh the page later to view the uploaded replay.
Home »
4.20.2015
,
April 20
,
Fall In Love With Me
,
GMA
,
GMA 7 Kapuso
,
Monday
,
Tagalog Dubbed
» Fall In Love With Me - April 20, 2015 Monday
0 (mga) komento:
Post a Comment